FILIPINO GRADE 10
FIRST QUARTER
Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at
pagsusuri ng Obra Maestra – El Filibusterismo para sa pagtatamo ng kaunlaran at pagtugon sa pandaigdigang
pakikipag-ugnayan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (mutimodal) para sa tiyak na layunin,
pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.
Pamantayan sa
Pagganap
Nakabubuo ng documentary film ng El Filibusterismo na naipakikita ang kaunlaran sa usaping panlipunan na
isinasaalang-alang ang elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at
etikal na kasanayan at pananagutan.
MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023
Pahina 162 ng 172
SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Pag-unawa at
Pagsusuri sa
mga Tekstong
Nasusulat
TEKSTONG PAMPANITIKAN
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng Obra Maestra – El Filibusterismo
• Kaligirang Pangkasaysayan (El Filibusterismo)
Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa
Obra Maestra : El Filibusterismo
• Pag-aalay sa El Filibusterismo
• Ang GOMBURZA
• Mga Tauhan
• Pagbabalik-tanaw sa Noli Me Tangere (mahahalagang pangyayari na iniuugnay sa El Filibusterismo)
• Kabanata 1-10
• Kabanata 11-18
• Kabanata 19-25
• Kabanata 26-32
• Kabanata 33-39
(a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa El
Filibusterimo
(b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari
(foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga
pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa El Filibusterimo
(c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng El Filibusterismo batay sa sariling pananaw, moral, katangian at
karanasan ng tao
(d) Nasusuri ang mahalagang pangyayari ng teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
(e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika sa El Filibusterimo
(f) Nakapaghahambing ng mga tekstong hawig sa El Filibusterismo at iba pang nobelang panlipunan na nasusulat
sa Pilipinas at sa ibang bansa
MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023
Pahina 163 ng 172
SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Pag-unawa at
Pagsusuri ng
mga Tekstong
Biswal
Nasusuri ang mga tekstong biswal na makikita sa El Filibusterismo
• mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
• estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora, at PWD)’
- pabalat ng El Filibusterismo at komiks nito
- bapor Tabo
- larawan ng sistemang reduccion
- kubyerta
- serbesa at tubig
- buwayang nag-aanyong demonyo
- lupang ari-arian
- lupa (nakabusal sa bibig ng bagong magsasaka)
- agnos/relikaryo/laket
- rebolber
- Pasko/kapaskuhan
- gubat ng mga Ibarra
- ulo ni Imuthis
- riles
- apyan
- kayamanan ni Kapitan Tiyago
- paskil
- lason
- kayamanan ni Simoun
- Karagatang Pasipiko
(a) Naipaliliwanag ang kahulugan ng tekstong biswal sa Obra Maestra- El Filibusterismo
(b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng Obra Maestra- El Filibusterismo
Nakabubuo ng documentary film tungkol sa pag-unlad ng isang usaping panlipunan na maiuugnay sa El
Filibusterismo
MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023
Pahina 164 ng 172
SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Paglikha at
Presentasyon ng
Tekstong
Multimodal
(a) Nakapipili ng tiyak na bahagi ng El Filibusterismo
(b) Nakabubuo ng plano sa paglikha ng documentary film at borador
(c) Nakakukuha ng mga videos ng mga gaganap
(d) Nalalapatan ng mga sound effects na kailangan sa video
(e) Nailalapat ang iba pang elementong multimodal
(f) Nairerebisa ang nabuong documentary film
Naibabahagi ang nilikhang tekstong multimodal (documentary film) sa napiling platform na isinasaalang-alang
ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan
SECOND QUARTER
MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023 Pahina 165 ng 172 BAITANG 10 – IKALAWANG MARKAHAN Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan (sa Kontemporaneong Panahon /Makabagong Panahon), impormasyonal, akademik para sa pagtatamo ng kaunlaran at pagtugon sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan, at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng isang grapikong representasyon mula sa sarbey na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan. SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO Pag-unawa at Pagsusuri sa mga Tekstong Nasusulat TEKSTONG PAMPANITIKAN Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa Kontemporaneong Panahon/ Makabagong Panahon kaugnay ng mga tekstong pampanitikan • Kaligirang Pangkasaysayan (Panitikan sa Kontemporaneong Panahon / Makabagong Panahon) Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa Mga Akda sa Kontemporaneong Panahon / Makabagong Panahon • Tula (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (persona, sukat at tugma, talinghaga at estilo) at detalye (paksa, nilalaman at kaisipan) ng tula (b) Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang diwa/ imahen sa tula (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023 Pahina 166 ng 172 SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tula) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda. (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (sukat, tugma,tono at talinghaga) ng tula (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon. Tuluyan (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa tuluyan (b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari (foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa binasang tuluyan. (c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao (d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda (e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (bisa ng salita, pahiwatig, idyomatikong pahayag, estilo) ng tuluyan (f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon TEKSTONG AKADEMIK Nauunawaan ang mahahalagang impormasyon sa isang pananaliksik • Kahulugan ng pananaliksik • Mga mananaliksik • Etika ng pananaliksik (plagiarism) Pag-unawa at Pagsusuri ng mga Tekstong Biswal Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen) • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora at PWD) MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023 Pahina 167 ng 172 SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO Elemento ng tekstong biswal na mga grapiko, balangkas, at tsart mula sa sarbey (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (akademik) Paglikha at Presentasyon ng Tekstong Multimodal Nakabubuo ng biswal na representasyon mula sa isang sarbey (a) Nakapipili ng paksa (b) Nababalangkas ang mga nakalap na impormasyon (c) Nakabubuo ng borador (d) Nailalapat ang biswal at multimodal na mga elemento Naibabahagi ang biswal na representasyon mula sa isang sarbey sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan
THIRD QUARTER
MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023 Pahina 168 ng 172 BAITANG 10 – IKATLONG MARKAHAN Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagtataya sa realidad at pagsasaalang-alang sa mekaniks ng pag-alam sa batayang kaalaman sa tekstong akademik sa pagtatamo ng kaunlaran at pagtugon sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng isang konseptuwal na balangkas na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan. SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO TEKSTONG AKADEMIK Pag-unawa at Pagsusuri sa mga Tekstong Nasusulat Natutukoy ang kahalagahan ng impormasyon, mensahe, at detalye sa kritikal na pagtingin sa isang komunidad (tulad ng paaralan, barangay, lokal na pamahalaan) Mga Kasanayan sa Pananaliksik • Pangangalap ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian • Pagtukoy sa katotohanan at opinyon • Pagsusuri sa mapagkakatiwalaang sanggunian at kredibilidad ng may-akda • Pagtukoy sa pangunahin at pangalawang sanggunian • Paggamit ng mga angkop na terminolohiya o salita Pag-unawa at Pagsusuri ng mga Tekstong Biswal Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen) • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora, at PWD) MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023 Pahina 169 ng 172 SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO Elemento ng tekstong biswal na konseptuwal na balangkas at paradigma (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (akademik) Paglikha at Presentasyon ng Tekstong Multimodal Nakabubuo ng isang konseptuwal na balangkas na nagpapakita ng kahalagahan ng mapagkakatiwalaang mga sanggunian (a) Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga mapagkukunang sanggunian (b) Natutukoy ang mga paksa, tema, at gaps (c) Nababalangkas ang konseptuwal na balangkas sa pamamagitan ng dayagram Naibabahagi ang konseptuwal na balangkas sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan
FOURTH QUARTER
MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023 Pahina 170 ng 172 BAITANG 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagtataya sa realidad at pagsasaalang-alang sa mekaniks sa pag-alam sa batayang kaalaman sa tekstong akademik upang makatugon sa pandaigdigang pakikipagugnayan bilang isang makabayang Pilipino. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng poster presentation ng panukalang pananaliksik na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan. SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO TEKSTONG AKADEMIK Pag-unawa at Pagsusuri sa mga Tekstong Nasusulat Nasusuri ang isang abstrak ng pananaliksik (a) Naiisa-isa ang mga posibleng paksa para sa panukalang pananaliksik (b) Natutukoy ang layunin, pamamaraan, resulta at kongklusyon ng isang abstrak (c) Nakabubuo ng sintesis sa mga nabasang abstrak Nakabubuo ng panukalang pananaliksik batay sa layunin at target na mambabasa Pag-unawa at Pagsusuri ng mga Tekstong Biswal Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento • mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen) • estereotipo (uri, kasarian, edad, etnisidad, pangkat, antas ng pamumuhay, diaspora, at PWD) Elemento ng tekstong biswal na flow chart (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal (b) Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto (akademik) MATATAG Curriculum: Filipino (Baitang 2-10) August 2023 Pahina 171 ng 172 SUB-DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO Paglikha at Presentasyon ng Tekstong Multimodal Nakabubuo ng isang poster presentation ng isang panukalang pananaliksik tungkol sa isang napapanahong usapin/paksa upang makatugon sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan bilang isang makabayang Pilipino (a) Nakapipili ng paksa ng pananaliksik (b) Nakapagsasagawa ng paunang pananaliksik (c) Nakapagbabalangkas ng bahagi ng panukalang pananaliksik (layunin, pamaraan, inaasahang bunga at iba pa) (d) Nakasusulat ng borador ng poster presentation (e) Narerebisa ang poster presentation (f) Nakabubuo ng balangkas ng panukalang pananaliksik sa pamamagitan ng flow chart Naibabahagi ang poster presentation ng panukalang pananaliksik sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan
No comments:
Post a Comment