VALED-G9

  

BACK TO HOME


GET ALL FILES HERE!


VALUES EDUCATION GRADE 9 

FIRST QUARTER

UNANG MARKAHAN: Pagpapaunlad ng Kamalayan sa Sarili Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 1. Pagpapalalim ng Kamalayan sa Sarili Batay sa mga Pagpapahalaga Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga. 1. Naisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa impluwensiya ng pagpapahalaga sa pagpapalalim ng kamalayan sa sarili a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga b. Naipaliliwanag na ang pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga ay makatutulong upang maisabuhay ang mga katangian at gawi ng lahing pinagmulan na makabubuti sa kaniyang kaganapan bilang tao c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga upang malinang ang mapanuring pag-iisip. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 242 of 296 BAITANG 9 UNANG MARKAHAN: Pagpapaunlad ng Kamalayan sa Sarili Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 2. Mga Salik sa Pagpili ng Karera Ayon sa Gabay ng Pamilya Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa mga salik sa pagpili ng karera ayon sa gabay ng pamilya. 2. Naisasabuhay ang matalinong pagpapasiya sa pamamagitan ng paghahanda ng sarili sa mga pangangailangan (requirements) at hamon ng pipiliing karera a. Natutukoy ang mga salik sa pagpili ng karera ayon sa gabay ng pamilya b. Naipaliliwanag na ang mga salik sa pagpili ng karera ay dapat isasaalang-alang upang matiyak ang kahandaan sa pagpapasiya sa nais tahakin na landas sa hinaharap tungo sa matagumpay at makahulugang pamumuhay c. Nakalilikha ng personal na plano sa karera na may pagsasaalang-alang sa mga salik ayon sa gabay ng pamilya Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang paglikha ng personal na plano sa karera na may pagsasaalangalang sa mga salik ayon sa gabay ng pamilya bilang tanda ng matalinong pagpapasiya Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Matalinong Pagpapasiya (Wise Decision Making) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 243 of 296 BAITANG 9 UNANG MARKAHAN: Pagpapaunlad ng Kamalayan sa Sarili Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 3. Pagbuo sa Personal na Misyon sa Buhay Natututuhan ang pag-unawa sa pagbuo sa personal na misyon sa buhay. 3. Naisasabuhay ang pagiging responsable sa pamamagitan ng paghahanda sa sarili sa mga posibleng hamon ng binubuong personal na misyon sa buhay a. Nakakikilala ng mga paraan upang mabuo ang personal na misyon sa buhay ayon sa kakayahan b. Naipaliliwanag na ang pagbuo sa personal na misyon sa buhay ay nagbibigay-kahulugan at direksiyon na mamuhay nang makabuluhan upang itaguyod ang kabutihan at kaunlaran ng sarili at lipunan c. Nailalapat ang mga paraan upang mabuo ang personal na misyon sa buhay ayon sa kakayahan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan upang makabuo ng personal na misyon sa buhay ayon sa kakayahan bilang tanda ng pagiging responsable. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Responsable (Responsible) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 244 of 296 BAITANG 9 UNANG MARKAHAN: Pagpapaunlad ng Kamalayan sa Sarili Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 4. Paggawa na may Gabay ng Pananampalataya o Paniniwala Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa paggawa na may gabay ng pananampalataya o paniniwala. 4. Nakapagsasanay ng integridad sa pamamagitan ng matapat na paggawa ng kaniyang tungkulin sa lahat ng pagkakataon a. Nailalarawan ang paggawa na ginagabayan ng pananampalataya o paniniwala b. Napatutunayan na ang paggawa na may gabay ng pananampalataya o paniniwala ay moral na tungkulin bilang pakikibahagi upang makamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao c. Nailalapat ang paggawa batay sa pananampalataya o paniniwala sa mga nakaatang na gawain sa tahanan at paaralan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng pananampalataya o paniniwala sa paggawa upang malinang ang integridad. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Integridad (Integrity) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 245 of 296 BAITANG 9 UNANG MARKAHAN: Pagpapaunlad ng Kamalayan sa Sarili Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 5. Mapanagutang Pagpapasiya Gabay ang Pananamapalataya o Paniniwala Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mapanagutang pagpapasiya gabay ang pananampalataya o paniniwala. 5. Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pananahimik, pagninilay, at pananalangin bago magpasiya a. Natutukoy ang papel ng konsensiya sa mapanagutang pagpapasiya na nakaugat sa pananampalataya o paniniwala b. Naipaliliwanag na ang mapanagutang pagpapasiya gabay ang pananampalataya o paniniwala ay ang maingat na paghusga ng isip na piliin ang mabuti at iwasan ang masama sa kongkretong situwasyon c. Nailalapat ang mapanagutang pagpapasiya na nakaugat sa pananampalataya o paniniwala Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mapanagutang pagpapasiya na nakaugat sa pananampalataya o paniniwala bilang tanda ng maingat na paghusga. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Maingat na paghusga (Prudence) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 246 of 296 BAITANG 9 UNANG MARKAHAN: Pagpapaunlad ng Kamalayan sa Sarili Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 6. Pagbabawas ng Sariling Pagkonsumo ng Resorses Bilang Pag-iingat sa Kalikasan Natututuhan ng mag-aaral ang mga pag-unawa sa pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pag-iingat sa kalikasan. 6. Naisasabuhay ang pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng panghihikayat sa kapuwa na bantayan ang sariling pagkonsumo ng pagkain, damit, tubig, at kuryente sa bahay, paaralan, at pamayanan a. Nakakikilala ng mga paraan ng pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pag-iingat sa kalikasan b. Naipaliliwanag na ang pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pag-iingat sa kalikasan ay tungkulin ng bawat isa tungo sa pagkakaroon ng balanse, sustenable at malusog na kapaligiran c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pag-iingat sa kalikasan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pagkalinga sa kalikasan upang malinang ang pagiging mabuting katiwala (stewardship). Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mabuting Katiwala (Good stewardship) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 247 of 296 BAITANG 9 UNANG MARKAHAN: Pagpapaunlad ng Kamalayan sa Sarili Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 7. Sariling Kamalayan sa Pagiging Mabuting Digital Citizen Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa sariling kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen. 7. Naisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagtalima sa mga netiquette o alituntunin ng pakikipagugnayan sa social media a. Nakapagpapahayag ng sapat at angkop na kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen b. Naipaliliwanag na ang sariling kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen ay nakatutulong sa pagtataguyod ng kultura ng paggalang, kaligtasan, at kapayapaan sa social media c. Nailalapat ang mga paraan upang mapaunlad ang sariling kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan upang mapaunlad ang sariling kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen upang malinang ang pagiging mapanagutan. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mapanagutan (Accountability)  

SECOND QUARTER

MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 248 of 296 BAITANG 9 IKALAWANG MARKAHAN: Pananagutan ng Pamilya sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga Bilang Isang Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 1.Paggabay ng Pamilya sa Pagkilala sa Sariling Seksuwalidad Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa paggabay ng pamilya sa pagkilala sa sariling seksuwalidad. 1. Naisasabuhay ang paggalang sa buhay sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga wasto at pinagkakatiwalaang tao a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng paggabay ng pamilya sa pagkilala sa sariling seksuwalidad b. Napatutunayan na ang paggabay ng pamilya sa pagkilala sa sariling seksuwalidad ay mahalagang tungkulin bilang paghahanda sa kaakibat nitong mga katangian, gampanin, at kahihinatnan ng mga pasiya na may kaugnayan sa kaniyang pagkakakilanlan c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagkilala sa sariling seksuwalidad ayon sa gabay ng pamilya Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang paraan ng pagkilala sa sariling seksuwalidad ayon sa gabay ng pamilya upang malinang ang paggalang sa buhay. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Paggalang sa buhay (Respect for life) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 249 of 296 BAITANG 9 IKALAWANG MARKAHAN: Pananagutan ng Pamilya sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga Bilang Isang Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 2. Pagsunod ng Pamilya sa mga Batas na Ayon sa Likas na Batas Moral Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagsunod ng pamilya sa mga batas na ayon sa likas na batas moral. 2. Naisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng paraan sa pagsunod ng pamilyang kinabibilangan sa mga batas na ayon sa likas na batas moral a. Natutukoy ang mga batas na ayon sa likas na batas moral na dapat sundin ng pamilya b. Naipaliliwanag na ang pagsunod ng pamilya sa mga batas na ayon sa likas na batas moral ay paraan ng pagsusulong ng dignidad, kapayapaan at katarungan tungo sa pagpapatatag ng lipunan c. Nailalapat ang wastong pagtatasa ng mga batas batay sa kaangkupan nito sa dignidad ng tao Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong pagtatasa ng mga batas batay sa kaangkupan nito sa dignidad ng tao upang malinang ang mapanuring pag-iisip. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mapanuring pag-iisip (Critical thinking) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 250 of 296 BAITANG 9 IKALAWANG MARKAHAN: Pananagutan ng Pamilya sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga Bilang Isang Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 3. Pagtugon ng Pamilya Laban sa Karahasan Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagtugon ng pamilya laban sa karahasan. 3. Naisasabuhay ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpili at paglahok sa mga positibong gawain na nagdudulot ng panloob na kapayapaan a. Nakakikilala ng mga wastong pagtugon ng pamilya laban sa karahasan b. Nasusuri na ang pagtugon ng pamilya laban sa karahasan ay makatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at katiwasayan sa tahanan bilang pagkilala sa taglay nilang dignidad c. Naisasakilos ang pagsusulong ng mga paraan upang maiwasan ang karahasan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang pagsusulong ng mga paraan upang maiwasan ang karahasan upang malinang ang kapayapaan. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Kapayapaan (Peace) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 251 of 296 BAITANG 9 IKALAWANG MARKAHAN: Pananagutan ng Pamilya sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga Bilang Isang Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 4. Paglalaan ng Panahon sa Pag-iisa, Pananahimik, at Pananalangin sa Tulong ng Pamilya Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa paglalaan ng panahon sa pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya. 4. Naisasabuhay ang pagiging madasalin sa pamamagitan ng paglalaan ng oras o panahon upang makapag-isa, manahimik, at manalangin a. Natutukoy ang mga kabutihang dulot at paghahanda sa panahon ng pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya b. Napatutunayan na ang paglalaan ng panahon sa pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya ay nakatutulong upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos at positibong pananaw sa buhay c. Naisasakilos ang paglalaan ng panahon sa pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalaan ng panahon sa pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya upang malinang ang pagiging madasalin. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Madasalin (Prayerful) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 252 of 296 BAITANG 9 IKALAWANG MARKAHAN: Pananagutan ng Pamilya sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga Bilang Isang Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 5. Mga Gawi ng Pamilya sa Pagpapalalim ng Pananampalataya Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya. 5. Naisasabuhay ang pananampalataya sa mga gawi ng pamilya na nakatutulong upang mapalalim ang ugnayan sa Diyos a. Naiisa-isa ang mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya b. Nahihinuha na ang pag-unawa sa mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya ay nakatutulong upang mapanatili at mapatatag ang ugnayan ng pamilya sa Diyos at ang buhay espirituwal sa kabuuan c. Nailalapat ang mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Pananampalataya (Faith) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 253 of 296 BAITANG 9 IKALAWANG MARKAHAN: Pananagutan ng Pamilya sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga Bilang Isang Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 6. Pananagutan ng Pamilya sa Pangangalaga at Pagpapayaman ng Kalikasan Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan. 6. Naisasabuhay ang pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa mga gawaing pangkapaligiran ng pamilya a. Nakakikilala ng mga pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan b. Napatutunayan na ang pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan ay mahalagang gampanin ng bawat isa upang matiyak ang balanse at sustenableng kalagayan nito c. Naisasakilos ang mga sariling paraan ng pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan bilang tanda ng pagiging mabuting katiwala. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mabuting katiwala (Good stewardship) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 254 of 296 BAITANG 9 IKALAWANG MARKAHAN: Pananagutan ng Pamilya sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga Bilang Isang Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 7. Pagsasabuhay ng Pagkakaisa ng Pamilyang Pilipino Tungo sa Maunlad na Lipunan Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagsasabuhay ng pagkakaisa ng pamilyang Pilipino tungo sa maunlad na lipunan. . 7. Nakapagsasanay ng pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng pagkakaisa sa pamilya a. Natutukoy ang mga katangian ng pamilya na nagtataglay ng pagkakaisa tungo sa maunlad na lipunan b. Napatutunayan na ang pagsasabuhay ng pagkakaisa ng pamilya tungo sa maunlad na lipunan ay daan sa pagpapaunlad ng sarili at pagkamit ng kabutihang panlahat c. Nailalapat ang mga sariling gawi ng pagkakaisa tungo sa maunlad na lipunan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling gawi ng pagkakaisa tungo sa maunlad na lipunan bilang tanda ng pagiging mapanagutan Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mapanagutan (Accountability)

THIRD QUARTER

MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 255 of 296 BAITANG 9 IKATLONG MARKAHAN: Positibong Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa sa Mabuting Pagkamamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 1. Pagtugon sa mga Suliranin sa Kapuwa Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa. 1. Nakapagsasanay ng pagiging mapagpasensiya sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa paglutas ng suliranin o pakikipagkasundo upang maiwasang lumala ang situwasyon a. Nakakikilala ng mga paraan sa pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa b. Naipaliliwanag na ang pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa ay pagpapanatili ng mapayapa at positibong ugnayan gamit ang mapanagutang pagpapasiya at maayos na pangangasiwa ng emosyon c. Naisasakilos ang sariling paraan ng pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng wastong pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa upang malinang ang pagiging mapagpasensiya. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mapagpasensiya (Patience) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 256 of 296 BAITANG 9 IKATLONG MARKAHAN: Positibong Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa sa Mabuting Pagkamamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 2. Kagalingan sa Paggawa Kaakibat ang Positibong Pakikipag-ugnayan sa Kapuwa Natututuhan ng mag-aaral ang pag unawa sa kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipagugnayan sa kapuwa. 2. Nakapagsasanay sa kahusayan sa pamamagitan ng palagiang pagsasakilos at pagpapaunlad ng taglay na kakayahan at kasanayan a. Natutukoy ang mga paraan upang makamit ang kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa b. Naipaliliwanag na ang kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa ay magbubunsod na abutin ang mataas na kalidad ng produkto o gawain habang yumayabong ang samahan o relasyon sa iba c. Naisasakilos ang sariling paraan upang makamit ang kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan upang makamit ang kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa upang malinang ang kahusayan Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Kahusayan (Excellence) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 257 of 296 BAITANG 9 IKATLONG MARKAHAN: Positibong Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa sa Mabuting Pagkamamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 3. Pagtanggap sa Pagkakaiba-iba ng Kultura ng Kapuwa Natututuhan ng mag-aaral ang pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa. 3. Naisasabuhay ang pagiging magalang sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa kultura ng kapuwa sa mga gawaing pampaaralan o pampamayanan a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa b. Naipaliliwanag na ang pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa ay pagkilala sa dignidad ng kapuwa na magpapanatili ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kanila at magbubunga ng katiwasayan para sa lahat c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagtanggap ng pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa upang malinang ang pagiging magalang. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Magalang (Respect) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 258 of 296 BAITANG 9 IKATLONG MARKAHAN: Positibong Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa sa Mabuting Pagkamamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 4. Pagpapalalim ng Pananampalataya Katuwang ang Kapuwa Natututuhan ng mag-aaral ang pagpapalalim ng pananampalataya katuwang ang kapuwa. 4. Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa pangkatang pagdarasal o gawaing pagsamba upang lalong lumalim ang pananamapalataya o paniniwala a. Nakakikilala ng mga paraan ng pagpapalalim ng pananampalataya katuwang ang kapuwa b. Naipaliliwanag na ang pagpapalalim ng pananampalataya katuwang ang kapuwa ay pagtitiyak na laging may pag-asa na malalampasan ang mga hamon ng buhay nang hindi nag-iisa c. Nailalapat ang mga wastong paraan ng pakikapagugnayan sa kapuwa sa kabila ng nagtutunggaliang paniniwala o relihiyon Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapalalim ng sariling pananampalataya katuwang ang kapuwa bilang tanda ng pananalig sa Diyos. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Pananalig sa Diyos (Faith in God) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 259 of 296 BAITANG 9 IKATLONG MARKAHAN: Positibong Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa sa Mabuting Pagkamamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 5. Iba’t ibang Anyo ng Pasasalamat sa Diyos Para sa Kabutihang Naidulot ng Kapuwa Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa iba’t ibang anyo ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa. 5. Naisasabuhay ang pagiging mapagpasalamat sa pamamagitan ng panghihikayat sa iba na kilalanin na may kaugnayan ang Diyos sa lahat ng natatamong tulong mula sa kapuwa a. Nakapagpapahayag ng iba’t ibang anyo ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa b. Nahihinuha na ang iba’t ibang anyo ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa ay nagbibigay ng pagkakataon upang maging biyaya sa ibang tao bilang pagkilala na ang lahat ng bagay ay mula sa Kaniya c. Naisasakilos ang paraan ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang paraan ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa bilang tanda ng pagiging mapagpasalamat. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mapagpasalamat (Gratitude) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 260 of 296 BAITANG 9 IKATLONG MARKAHAN: Positibong Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa sa Mabuting Pagkamamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 6. Pakikilahok at Bolunterismo sa Pagkalinga sa Kalikasan Katuwang ang Kapuwa Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa. 6. Naisasabuhay ang pakikiisa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kabutihang dulot ng pakikilahok at bolunterismo para sa kalikasan a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa b. Naipaliliwanag na ang pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa ay kinakailangan upang kagyat na matupad ang tungkulin bilang isang mabuting katiwala at matiyak na mapanatili ang balanse nito c. Naisasakilos ang pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa bilang tanda ng pakikiisa. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Pakikiisa (Cooperation) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 261 of 296 BAITANG 9 IKATLONG MARKAHAN: Positibong Impluwensiya ng Pakikipagkapuwa sa Mabuting Pagkamamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 7.Mga Isyung Panlipunan na Nakaiimpluwensiya sa Pakikipagkapuwa Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa mga isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa 7. Naisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagpapasiya batay sa obhektibong pagtingin sa mga impormasyon o datos a. Nakapagpapahayag ng ibat -ibang isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa b. Napatutunayan na ang mga isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa ay nangangailangan nang wasto at kolektibong pagtugon ng mamamayan upang maiwasan ang mga kaakibat nitong suliranin c. Nakabubuo ng kongkreto at positibong pagtugon sa mga isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng kongkreto at positibong pagtugon sa mga isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa bilang tanda ng pagiging mapanagutan. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mapanagutan (Accountability) 

FOURTH QUARTER

MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 262 of 296 BAITANG 9 IKAAPAT NA MARKAHAN: Pagpapatibay ng Pagpapahalaga sa Bayan Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 1. Pansariling Gampanin Bilang Isang Mapanagutang Namumuno at Tagasunod Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagtupad sa mga pansariling gampanin bilang isang mapanagutang namumuno at tagasunod. 1. Naisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagsunod sa alintuntunin ng pamayanan, pag-aaral nang mabuti, at paggawa ng tungkulin sa lipunang kinabilangan a. Natutukoy ang mga pansariling gampanin bilang isang mapanagutang namumuno at tagasunod b. Nahihinuha na ang pansariling gampanin bilang isang mapanagutang namumuno at tagasunod ay hakbang sa pagdidisiplina sa sarili tungo sa pagpapabuti ng lipunan upang umiral ang kabutihang panlahat c. Nailalapat ang mga pansariling gampanin bilang isang mapanagutang namumuno at tagasunod Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang pansariling gampanin bilang isang mahusay na namumuno at tagasunod bilang tanda ng pagiging mapanagutan. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mapanagutan (Accountability) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 263 of 296 BAITANG 9 IKAAPAT NA MARKAHAN: Pagpapatibay ng Pagpapahalaga sa Bayan Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 2. Makatuwirang Pagkilos Katuwang ang Pamilya sa Pagsusulong ng Kabutihan sa Lipunan Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan. 2. Nakapagsasanay sa pagiging makatarungan sa pamamagitan ng pagkilos nang patas at pantay na pakikisalamuha sa kapuwa a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan b. Naipaliliwanag na ang makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan ay pagkilala ng dignidad na taglay ng bawat mamamayan anuman ang estado sa buhay tungo sa matiwasay na pamayanan c. Nailalapat ang sariling paraan ng makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan bilang tanda ng pagiging makatarungan. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Makatarungan (Justice) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 264 of 296 BAITANG 9 IKAAPAT NA MARKAHAN: Pagpapatibay ng Pagpapahalaga sa Bayan Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 3. Pagtitipid at Pagiimpok Katuwang ang Kapuwa Tungo sa Pagpapabuti Ng Lipunan Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagtitipid at pag-iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan. 3. Naisasabuhay ang pagiging matipid sa pamamagitan ng pagtatabi ng mga pera o gamit upang makibahagi sa pagtugon ng pangangailangang pangkabuhayan sa lipunan ayon sa kakayahan a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagtitipid at pag-iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan b. Naipaliliwanag na ang pagtitipid at pag-iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan ay nagdudulot ng kamalayan sa kahalagahan ng sama-samang pag-iipon upang makibahagi sa pagtugon ng pangangailangang pangkabuhayan sa lipunan c. Naisasakilos ang sariling paraan ng pagtitipid at pagiimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pagtitipid at pag-iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan upang malinang ang pagiging matipid. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Matipid (Thrifty) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 265 of 296 BAITANG 9 IKAAPAT NA MARKAHAN: Pagpapatibay ng Pagpapahalaga sa Bayan Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 4. Pagpapalalim ng Ispiritwalidad na Gabay sa Pagharap sa Pagsubok ng Buhay Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay. 4. Naisasabuhay ang pagiging matatag sa pamamagitan ng palagiang pagninilay, pananalangin sa Diyos at pagdalo sa mga gawaing magpapapalalim ng ispiritwalidad a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay b. Napapatunayan na ang pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay ay paraan na maaaring taglayin ng isang indibidwal upang magkaroon ng lubos na paninindigan at pag-asa sa anumang suliranin na kahaharapin c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang paraan ng pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay upang malinang ang pagiging matatag. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Matatag (Resilience) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 266 of 296 BAITANG 9 IKAAPAT NA MARKAHAN: Pagpapatibay ng Pagpapahalaga sa Bayan Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 5. Mga Gawaing Panrelihiyon na Nagsusulong sa Pagpapabuti ng Kalagayan ng Kapuwa Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa. 5. Nakapagsasanay sa pakikiisa sa pamamagitan ng pagsuporta at pakikilahok sa mga proyektong panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa a. Naiisa-isa ang mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa b. Naipaliliwanag na ang mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa ay magbibigay pag-asa at positibong pananaw sa pagtugon sa pagpapabuti ng lipunan at tiyakin ang positibong ugnayan ng bawat isa c. Naisasakilos ang mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa bilang tanda ng pakikiisa. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Pakikiisa (Cooperation) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 267 of 296 BAITANG 9 IKAAPAT NA MARKAHAN: Pagpapatibay ng Pagpapahalaga sa Bayan Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 6. Pagsuporta sa Adbokasiya ng mga Lokal na Pangkat na Nangangalaga sa Kalikasan Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan. 6. Naisasabuhay ang pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa mga proyektong pangkapaligiran a. Nakakikilala ng mga paraan ng pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan b. Naipaliliwanag na ang pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan ay nagtitiyak ng pagpapabuti ng kalagayan ng kapaligiran tungo sa kapakanan ng bawat mamamayan c. Nailalapat ang sariling paraan ng pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan upang malinang ang pagiging mabuting katiwala. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Mabuting Katiwala (Good stewardship) MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 Page 268 of 296 BAITANG 9 IKAAPAT NA MARKAHAN: Pagpapatibay ng Pagpapahalaga sa Bayan Tungo sa Pagiging Mabuting Mamamayan Nilalaman (Content) Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 7. Pagpapaunlad ng Gawi sa Pagtangkilik sa mga Serbisyo, Talento, at Produktong Gawang Pilipino Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapaunald ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino. 7. Nakapagsasanay ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad na bumili ng produkto, piliin ang serbisyo, at ipagmalaki ang talentong Pilipino a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng pagpapaunalad ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino b. Napatutunayan na ang pagpapaunlad ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino ay nagpapakita ng malaking ambag ng bawat Pilipino upang mapalakas, mapasigla, at maalagaan ang maliliit na negosyo sa lipunan tungo sa ikabubuti ng lahat c. Naisasakilos ang sariling paraan ng pagpapaunlad ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pagpapaunlad ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino upang malinang ang nasyonalismo. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Nasyonalismo (Nationalism)

No comments:

Post a Comment

KEY STAGE 3

  GET ALL FILES HERE! KEY STAGE 3 GRADE 7   ENGLISH                SCIENCE              MATHEMATICS                   FILIPINO              ...